I never knew one person could make me feel this way. This kind of feeling, me being so incomplete.
Sa araw araw nalang ng ginawa ng Diyos lalo kong nararamdaman na kulang na ako. Hindi na ako magiging kumpleto. O matagal pa bago mawala tong isyu ko. Takot na takot na ako sa sarili ko ngayon kasi hindi ako ganito dati. (lagi ko na tong sinasabi hindi ko alam kung gasgas na) Masayhin ako. Kaya kong lagpasan lahat. Pero bat ngayon parang nakakafeel ako nag pag give up. Parang hindi ko na kaya. Tapos ang drama drama ko na, Iba na ung takbo ng utak ko. Hindi na normal. Pati puso ko abnormal na:(
Problema ko kaya kong maging positive sa iba pero pag dating sa problema ko sobrang negative ko. Normal ba yun? ang labo kooooooo
Naiinggit ako sa mga taong masasaya. Sa mga tumatawa ng wagas. Naiinggit ako. Kasi bat hindi ko na magawa yun. Nasasapawan na ko ng paranoid, lungkot at kung ano ano pang negative vibes. Ako lang ba nagpaparamdam sa sarili ko neto? Tnatry ko naman na maging okay e pero di maiwasang bumalik. Lord, batok naman dyan oh! Gusto ko lang na may magsabi na "hoy, sira ulo kang bata ka maikli lang ang buhay dapat hindi sinasayang, ipagpatuloy mo buhay mo!" ung babatok sakin na bibigyan ako ng inspirasyon araw araw para harapin tong magulong mundo.
Kapag umiiyak kaya ako pinapanuod kaya ako ng nanay ko? Ano kayang sinasabi nya? Gusto kong marinig baka magbago tong nafefeel kooo. Gusto kong bumulong sya sakin. Bisitahin man lang ako sa panaginip ko. Mas lalo ko syang namimiss e. Ang hirap!!
Hindi ko na talaga alam. Hanggang ngayon hindi ko pa din matanggal to sa isip ko.
So i'll keep praying that this feeling would be over soon!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento