Biyernes, Hulyo 22, 2011

BIPOLAR

PARA BA AKONG BIPOLAR? KASI SOBRANG MAGKAIBANG MAGKAIBA UNG LAST POST KO AT UNG BEFORE NUN (I FEEL EMPTY AT HAPPY HEART ALWAYS) SOBRANG SAYA KO LAST MONTH TAPOS ANG LUNGKOT KO NA ANU BA YUN :||

SAYA SAYA PLEASE WIN OVER LUNGKOT!!!! 
 


Huwebes, Hulyo 21, 2011

I feel empty

I never knew one person could make me feel this way. This kind of feeling, me being so incomplete.


Sa araw araw nalang ng ginawa ng Diyos lalo kong nararamdaman na kulang na ako. Hindi na ako magiging kumpleto. O matagal pa bago mawala tong isyu ko. Takot na takot na ako sa sarili ko ngayon kasi hindi ako ganito dati. (lagi ko na tong sinasabi hindi ko alam kung gasgas na) Masayhin ako. Kaya kong lagpasan lahat. Pero bat ngayon parang nakakafeel ako nag pag give up. Parang hindi ko na kaya. Tapos ang drama drama ko na, Iba na ung takbo ng utak ko. Hindi na normal. Pati puso ko abnormal na:(

Problema ko kaya kong maging positive sa iba pero pag dating sa problema ko sobrang negative ko. Normal ba yun? ang labo kooooooo

Naiinggit ako sa mga taong masasaya. Sa mga tumatawa ng wagas. Naiinggit ako. Kasi bat hindi ko na magawa yun. Nasasapawan na ko ng paranoid, lungkot at kung ano ano pang negative vibes. Ako lang ba nagpaparamdam sa sarili ko neto? Tnatry ko naman na maging okay e pero di maiwasang bumalik. Lord, batok naman dyan oh! Gusto ko lang na may magsabi na "hoy, sira ulo kang bata ka maikli lang ang buhay dapat hindi sinasayang, ipagpatuloy mo buhay mo!" ung babatok sakin na bibigyan ako ng inspirasyon araw araw para harapin tong magulong mundo.

Kapag umiiyak kaya ako pinapanuod kaya ako ng nanay ko? Ano kayang sinasabi nya? Gusto kong marinig baka magbago tong nafefeel kooo. Gusto kong bumulong sya sakin. Bisitahin man lang ako sa panaginip ko. Mas lalo ko syang namimiss e. Ang hirap!!

Hindi ko na talaga alam. Hanggang ngayon hindi ko pa din matanggal to sa isip ko.

So i'll keep praying that this feeling would be over soon!

Lunes, Hunyo 20, 2011

Happy Heart Always ♥

its a happy blog

I'm still battling with my emotions right now. Sometimes i feel so happy sometimes i feel so down and sometimes i don't know what to feel. Yes, kinda emo i think but that's what i feel. 

BUT...

One thing that my mom taught me before she left was to be strong. She never complain about too much pain. She never cried. Her faith was very strong that she never questioned God. She just faced it with a smile and go on with her life. That's why i'm strong because of her, because i know i have that smile. 

Lahat ng kaibigan ko gulat nung makita ako sa wake ng mom ko nakangiti. nalito sila siguro sa reaksyong ibibigay nila sa akin. Sabi nila natuwa daw sila kasi nakita nila kung gano ko ka strong. Siguro ngayon ko lang narealize na kaya hindi ako umiyak noon dahil sabi ko sa sarili ko 'bat ako iiyak, bat ako magiging mahina e kung ung nanay ko na may sakit, na nakakaramdam ng sakit sya tong okay lang. sya to malakas' sakanya ko kinukuha ung lakas ko. Siguro hindi din ako nagpapakita ng weakness para hindi din malungkot ung mommie ko. Feeling ko din samin sya kumukuha ng lakas. 

Kaya ngayon, mas gagawin ko pang malakas ung puso ko. I will always have a happy heart!! Alam kong mas magiging masaya sya sa heaven kung mas masaya ako dito. Yes, i always miss her. Everytime, kahit na lagi ko syang inaaway. e lambing ko naman talaga yun. At oo mas natuto akong umiyak ngayon kasi nawala ung source of pagiging strong ko. i cry sometimes but i promised myself na everytime i cry i will end it with a smile. After ng pagddrama ko. I will think of happy thoughts. Kasi ngayon madaming nagpapasaya sakin. Bakit ko iintindihin ung kalungkutan kung madaming nagpupuno ng saya sa puso ko. 

hindi ko alam kung may sense
WALA LANG SOBRANG SAYA LANG PO TALAGA NG PUSO KO NGAYON I JUST FEEL LIKE WRITING IT :)))

ALWAYS HAVE A HAPPY HEART ♥



Linggo, Hunyo 12, 2011

Eat Bulaga :''>

Dear God,



Hello. :)  Thank you for this big opportunity for 1shade. We sure will do this excellently and do it for your Glory :''>  I'm so kilig with this experience because I can represent my school as a dancer so i am really thankful for this!!! How i wish every member of 1SHADE can come to the show. Mas madami mas masaya :)) [sayang kung wala lang pasok kasi independence day] Anyway, I'm just so thankful for this!![oo, paulit ulit] :''>


P.S.
Please let Miami Heat win the game 6 tomorrow? Pretty please? Wade deserves it and the team too hehe. Praying and hoping fo 3-3 tomorrow! 


Love you :))

Huwebes, Hunyo 9, 2011

GAME 5




So laban ng Miami at Dallas ngayon. Game 5. At lamang ung Dallas. shit. Kailangan nilang manalo. Huhuhuhhu. Maheheart broken nanaman ako netooo </3 No way!!!! 

Alam mo ung kinakabahan ka pero ngayon sobrang tumitibok ung puso ko hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa game ng Miami na hindi sila makahabol o dahil sa may katext ako hahahah :) Ayun, oh, doble ung tibok ng puso ko hahahahahah :| :)) 

Anyway, kailangan nila talaga manalo sa game na yun kaya please lang Miami umayos kayo si wade lang ung kumikilos ng maayos ngayon last qtr. Pinakakakaba nyo ako ng bongga. 

Ayun, ikaluluksa ko nanaman to pag hindi sila ung nanalo. Bvness again :<

Ge manunuod na ulit ako.
bye. 

Linggo, Hunyo 5, 2011

Mahabahabang Biyahe :D

Boo yah! I’m back but still with no picture hehez

So ayun, tapos na ung summer ko.  Bukas na ung umpisa ng klase namin. UST e laging maaga ang pasok. Hmm, kung iisipin ko okay naman ung summer ko. Hindi masyadong ordinary may nagaganap naman kung minsan. Pero hindi ko ding masasabing sobrang naging masaya ung summer ko kasi sinimulan ko ito ng kalungkutan kaya dapat tapusin ko ng kasiyahan :) 

Nagkaroon ng mga dinner with friends, overnights, training ng sayaw, overnights, pa-overnights, friends-come-over, moviethon, all-day internet, katamaran, at 2 swimming lang ang naramdaman ko. Mukha bang boring? Haha. Wala man lang super  summer escapade with family or friends. Okay lang, may next summer pa naman. Ready na ko sa summer 2012! Hahahaha.

Blabla ang futuristic ko balik tayo sa summer 2011 ko.

Masaya naman ako sa mga huling araw ng summer. Nagtraining kasama ang oneshade, nagovernight sa mga bahay bahay, nagkakwentuhan ang mga kaibigan!:)

Pero naging kakaiba ung last week ng summer ko ng mafeel ko ung saya kapag nagttravel ako sa pupuntahan ko. Adventurous kasi akong tao. Minsan kahit takot ako o kahit may kasama o wala kahit di ko alam kung pano pumunta basta may maayos na mapagtatanungan maaasahan mo ako sa ganyang adventure. 
Pag nagttravel kasi ako ng mahaba habang biyahe mas nakakapag obserba ko ng madaming bagay at nakaka experience ako ng kakaibang feeling tuwing magcocommute. Oo, mainit, nakakapagod tsaka nakakaparanoid kasi hindi mo alam kung anong mangyayari sayo baka manakawan ka, mahold-up, masiraan, masabugan (knock on wood) pasensya na sadyang praning lang ako.

Parang nung isang araw, nagpunta kami sa Greenhills nung BFF ko tapos nagbus lang kami. Tapos ang sarap nung feeling ng makarating ka na sa destinasyon mo ng hindi masyadong gumagastos. Kasi pag nagcab ka e di ubos na pera mo sa pambayad dun. Ipangkakain ko nalang yun. Pati pagbalik naming bus din kaso hindi naming alam ung bababaan naming hahah kasi nga first time buti nalang tama ung desisyon namin na magintay pa ng onting byahe gang sa alam na namin ung lugar. Yung kondoktor kasi hindi sinabing iba ung ruta buti nalang quiapo ang baba namin. Alam ko nay un haha :)

Tapos nung isang araw naman, nangati ung paa ko[hindi literal] Parang gusto kong gumala at gumawa ng adventure. Gabi na pero okay lang may kasama naman ako. Malapit kasi sa bahay niya ung pupuntahan ko. Sayang naman ung opportunity na may kasama ka na may kakwentuhan ka pa may magtuturo pa sayo kung pano pumunta sa lugar na pupuntahan mo. Bale 3in1 sya :) Dahil din na may kasama ako at super  kwentuhan kami hindi ko na namalayang 1hr and 30mins ung kabuuan ng binyahe namin. Haha :))

Eto last na isang araw nalang haha. Nagpunta ulit ako sa bahay ng kaibigan ko para magovernight. Bumyahe nanaman ako ng malayo. Sumakay ng jeep. Sobrang traffic! Pumila, sinuwerte nakasakay agad sa fx. Pag dating sa terminal ng traysikel may pila ulit. Sinuwerte ulit, nakasakay agad. Swerte ko nga sa araw na yan. Thank you Lord :)

Pauwi na ako kinabukasan. Panibagong biyahe nanaman. At this time, Nagbus ako. E kakasabi ko lang na ayoko ng magbus kasi kakapanood ko lang nung balita sa sumabog na bus. Pero dahil yun lang ung biyhaeng Quiapo, sige go sakay ako. [naset naman ng kaibigan ko sa mind ko na safe yon] Madami pang upuan na available. So pinili ko ung tabi ng bintana. Pagkaupo ko ang lamig. Yehey malamig ung byahe ko tamang tama sa kainitan ng panahon. Kaso sira ung natapat sakin. Sira ung aircon hindi mo ma aadjust as in nakatapat lang sayo. Nasobrahan sa lamig, ung mga nagiging katabi ko lumilipat sa ibang upuan. Bale na katatlo akong katabi at ako hindi pa din lumilipat. Nagmamatigas hahaha. Pero literal naninigas na ung mga kamay ko sa sobrang lamig. Abot paa na nga yata. 

Ayun, hindi ko nalang ininda ung lamig at nagbasa nalang ako ng libro. Tapos ung katabi ko biglang tanong kung anong title ng librong binabasa ko. Pinakita ko nalang ung title nung libro. "Ang Paboritong Libro ni Hudas" ni Bob Ong ung librong nibabasa ko. Sabi nya "okay a, parang ang ganda nyan ang daming natututunan. Saan nakakabili nyan?" Ayan tuloy nagkaron tuloy ako ng kausap sa bus. I just had a conversation with a stranger. Hindi ko alam nakikibasa na din sya sa libro ko. Buti nalang bumaba na sya kasi pinapakiramdaman ko tuloy kung tapos na sya sa page na yun kasi ililipat ko na. 


Hanggang nakarating na sa Quiapo. Bumaba, sumakay ng jeep. Naglakad. Nakarating sa bahay. Kumain ng hapunan. Nakipagkwentuhan sa kapatid. Nahiga. Nakatulog. Swak. Pagod sa biyahe. 12hrs ung tulog ko. 


Tapos heto ngayon bukas pasukan nanaman. Tapos na maliligayang araw ko. Haha. Biro lang. Kasi gagawin kong mas maligaya ang school year ngayon :) 

Martes, Mayo 31, 2011

Biyaheng LRT [Blumentritt-Pedro Gil]

Hello, 

Kahapon, pumunta kami ng kapatid ko kasama ung boyfriend(kuya pao) nya sa Robinsons Place Ermita para bumumili ng bag ko pang school. E magcocomute lang kami so naisip naming sumakay ng LRT kasi malapit lang naman dito samin yung Blum station tapos baba sa Pedro Gil Station tapos onting lakad nalang makakarating na sa Robinsons. LRT na din kami para walang traffic, di mainit kaysa magjeep, mas mura kaysa magcab. Un nga lang expectations lang lahat yan sa totoong naganap sa buong ride namin papuntang Rob. :|

Eto nga nasa istasyon na kami ng Blumentritt, nakabili na ng ticket, nagiintay nalang sa hihintong tren sa harap namin para makasakay. Kaso nakalimutan namin nakikisabay kami sa RUSH HOUR!! Shet maling mali. So ung unang tren pinalagpas namin kasi sobrang daming tao di na kami kasya tatlo. Naisipan din namin na humiwalay at magpunta sa mga babae para get iwas hipo at blabla. Ayun na nga, naghihintay na kami ng susunod na tren. Kaso sobrang tagal ng pagaantay namin e sa LRT1 pa naman walang oras na nagsaabi kung kelan darating ung susunod na tren. Hanggang sa may lumagpas na tren na at may ilang hintong tren na ang naganap sa kabilang side nung LRT wala pa din kaming masakyan. Pero hindi kami nawalan ng pag-asa, narinig namin ang ingay na papalapit na ung tren na pwedeng magdala samin sa aming destinasyon. Yehey!! Eto na. sabay pagbukas ng pintuan puno na agad ung loob at hindi na makakasingit lalo na ang daming nakikipag unahan. So hindi kami nakasakay ni ate sa tren na yun kaso si kuya Pao nandun. So text agad kami na kita nalang sa PG station sasakay kami sa susunod na tren kahit anong mangyari! 

Makalipas ang ilang kwentuhan, may dumating na tren na di gaanong madaming tao. As in nakakahinga ka pa a. Parang kami "yes buti nalang di kami sumakay dun sa isa ang luwag dito!" So pumeswto kami malapit sa pintuan para madaling makababa. Nang huminto sa susunod na istasyon, Tayuman, ANG DAMING TAONG NAGAABANG SUMAKAY!!!! so lahat sila karipas sa loob habang may space pa. Ganun din ung sitwasyon sa susunod, Bambang, MAS MADAMING TAONG NAGIINTAY!!![as in ang dami ngayon lang ako nakakita ng ganun na parang naging thankful pa ko kasi ako nakasakay na ko sila nagiintay pa din] pero hala sige sakay pa din kahit na wala ng matatayuan. At sa puntong to sobrang sikip na sa loob. Ung tipong sandwich na ko na kapag lalaki ako matutuwa ako sobra dahil sa mga babaeng nakadikit sakin. Pero hindi e. Ang nakakairita pa don, hindi ko naman sila masisisi pero binibigay nila ung weight nila sakin e sobrang siksik na ko na sobrang close na namin nung hawakan nakahug na ako. 

Sa simula ng istasyon na iyon, dapat walang sasakay hangga't walang bumababa. Ganun dapat ang usapan. Malinaw kasi hindi mo na masisiksik sarili mo. PERIOD!. 

Sa kabutihang palad, may bumaba naman sa susuod na stop, may pumasok ding bago. Pero kaya. Eto ung sikip na pwede na.. may mga 1in na space para makahinga ang bawat pasahero. Kaso sa susunod na istasoyon naganap ang pinakakinatatakutan ko. Bumukas ung pintuan. Walang bumababa. Wala ding sumasakay. Nang biglang isang matabang babae ang sumiksik. Parang ako sa isip ko lang "hello, magsasara na nga ung pintuan baka maipit ka di ka sumusunod sa sinabi nung gwardya" ALAM MO YUNG BIGLANG DESISYON NA SIGE ISISIKSIK KO UNG SARILI KO DITO KAHIT KALAHATING KATAWAN KO LANG UNG KASYA. BADTRIP!! MALAKI SYANG BADTRIP!! Sobrang sumikip tuloy ung feeling kasi nasiksik nya sarili nya kasi nasarhan na nga sya kaya ung mga tao tuloy natulak niya. At eto pa ang catch, sa tabi ko sya sumiksik. Okay na ko e, keribells na ung sikip tapos etoo ka tatabihan mo ako. YANG MGA FATS MO IDIDIKIT MO SA BALAT KO. [k, hindi ako galit masyado ng mga panahon na yan. tumatawa pa ako kasi nakakatawa ung girl ang tanga di sya nakakaintindi] 

Kaya mula Doroteo Jose station gang sa Pedro Gil kung saan kami bababa ay walang bumaba kaya sobrang sikip namin sa loob. Pasalamat ung mga pasahero dahil maraming nagsibabaan sa Pedro Gil kundi di na sila makakahinga talaga. Pero bago ka magsaya iisipin mo muna kung pano ka makakalabas e hindi ka nga makagalaw at hindi ka mabibigyan ng daan dahil sa kasikipan. Buti nalang malapit lang kami sa pintuan kaya nakalabas kami. takot pa naman ung ate kong masarhan nung pintuan kasi paranoid sya. Pano ba kasi ang bilis magsara nung mga pintuan sobrang nagmamadali kaya lalong nagkakaroon ng sakitan at tulakan. 

Hinidi nyo lang alam kung gano kasaya ang feeling na makalabas at makahinga muli ng maayos makaraan ng biyaheng yon. Nakalimutan ko na ngang nasa kwento ko pa rin pala si Kuya Pao e. Ayun, naghihintay sa may exit ng Pedro Gil station. May sariling kwento tungkol sa kaharap niya sa LRT ride[buti hindi lang kami ang minalas hahhahahaha!!]

Hay, basta tawang tawa nalang ako. Kakaibang ride na yan o. Ganun pala ung feeling. Ayoko ng ulitn HAHA! :D