Martes, Mayo 31, 2011

Biyaheng LRT [Blumentritt-Pedro Gil]

Hello, 

Kahapon, pumunta kami ng kapatid ko kasama ung boyfriend(kuya pao) nya sa Robinsons Place Ermita para bumumili ng bag ko pang school. E magcocomute lang kami so naisip naming sumakay ng LRT kasi malapit lang naman dito samin yung Blum station tapos baba sa Pedro Gil Station tapos onting lakad nalang makakarating na sa Robinsons. LRT na din kami para walang traffic, di mainit kaysa magjeep, mas mura kaysa magcab. Un nga lang expectations lang lahat yan sa totoong naganap sa buong ride namin papuntang Rob. :|

Eto nga nasa istasyon na kami ng Blumentritt, nakabili na ng ticket, nagiintay nalang sa hihintong tren sa harap namin para makasakay. Kaso nakalimutan namin nakikisabay kami sa RUSH HOUR!! Shet maling mali. So ung unang tren pinalagpas namin kasi sobrang daming tao di na kami kasya tatlo. Naisipan din namin na humiwalay at magpunta sa mga babae para get iwas hipo at blabla. Ayun na nga, naghihintay na kami ng susunod na tren. Kaso sobrang tagal ng pagaantay namin e sa LRT1 pa naman walang oras na nagsaabi kung kelan darating ung susunod na tren. Hanggang sa may lumagpas na tren na at may ilang hintong tren na ang naganap sa kabilang side nung LRT wala pa din kaming masakyan. Pero hindi kami nawalan ng pag-asa, narinig namin ang ingay na papalapit na ung tren na pwedeng magdala samin sa aming destinasyon. Yehey!! Eto na. sabay pagbukas ng pintuan puno na agad ung loob at hindi na makakasingit lalo na ang daming nakikipag unahan. So hindi kami nakasakay ni ate sa tren na yun kaso si kuya Pao nandun. So text agad kami na kita nalang sa PG station sasakay kami sa susunod na tren kahit anong mangyari! 

Makalipas ang ilang kwentuhan, may dumating na tren na di gaanong madaming tao. As in nakakahinga ka pa a. Parang kami "yes buti nalang di kami sumakay dun sa isa ang luwag dito!" So pumeswto kami malapit sa pintuan para madaling makababa. Nang huminto sa susunod na istasyon, Tayuman, ANG DAMING TAONG NAGAABANG SUMAKAY!!!! so lahat sila karipas sa loob habang may space pa. Ganun din ung sitwasyon sa susunod, Bambang, MAS MADAMING TAONG NAGIINTAY!!![as in ang dami ngayon lang ako nakakita ng ganun na parang naging thankful pa ko kasi ako nakasakay na ko sila nagiintay pa din] pero hala sige sakay pa din kahit na wala ng matatayuan. At sa puntong to sobrang sikip na sa loob. Ung tipong sandwich na ko na kapag lalaki ako matutuwa ako sobra dahil sa mga babaeng nakadikit sakin. Pero hindi e. Ang nakakairita pa don, hindi ko naman sila masisisi pero binibigay nila ung weight nila sakin e sobrang siksik na ko na sobrang close na namin nung hawakan nakahug na ako. 

Sa simula ng istasyon na iyon, dapat walang sasakay hangga't walang bumababa. Ganun dapat ang usapan. Malinaw kasi hindi mo na masisiksik sarili mo. PERIOD!. 

Sa kabutihang palad, may bumaba naman sa susuod na stop, may pumasok ding bago. Pero kaya. Eto ung sikip na pwede na.. may mga 1in na space para makahinga ang bawat pasahero. Kaso sa susunod na istasoyon naganap ang pinakakinatatakutan ko. Bumukas ung pintuan. Walang bumababa. Wala ding sumasakay. Nang biglang isang matabang babae ang sumiksik. Parang ako sa isip ko lang "hello, magsasara na nga ung pintuan baka maipit ka di ka sumusunod sa sinabi nung gwardya" ALAM MO YUNG BIGLANG DESISYON NA SIGE ISISIKSIK KO UNG SARILI KO DITO KAHIT KALAHATING KATAWAN KO LANG UNG KASYA. BADTRIP!! MALAKI SYANG BADTRIP!! Sobrang sumikip tuloy ung feeling kasi nasiksik nya sarili nya kasi nasarhan na nga sya kaya ung mga tao tuloy natulak niya. At eto pa ang catch, sa tabi ko sya sumiksik. Okay na ko e, keribells na ung sikip tapos etoo ka tatabihan mo ako. YANG MGA FATS MO IDIDIKIT MO SA BALAT KO. [k, hindi ako galit masyado ng mga panahon na yan. tumatawa pa ako kasi nakakatawa ung girl ang tanga di sya nakakaintindi] 

Kaya mula Doroteo Jose station gang sa Pedro Gil kung saan kami bababa ay walang bumaba kaya sobrang sikip namin sa loob. Pasalamat ung mga pasahero dahil maraming nagsibabaan sa Pedro Gil kundi di na sila makakahinga talaga. Pero bago ka magsaya iisipin mo muna kung pano ka makakalabas e hindi ka nga makagalaw at hindi ka mabibigyan ng daan dahil sa kasikipan. Buti nalang malapit lang kami sa pintuan kaya nakalabas kami. takot pa naman ung ate kong masarhan nung pintuan kasi paranoid sya. Pano ba kasi ang bilis magsara nung mga pintuan sobrang nagmamadali kaya lalong nagkakaroon ng sakitan at tulakan. 

Hinidi nyo lang alam kung gano kasaya ang feeling na makalabas at makahinga muli ng maayos makaraan ng biyaheng yon. Nakalimutan ko na ngang nasa kwento ko pa rin pala si Kuya Pao e. Ayun, naghihintay sa may exit ng Pedro Gil station. May sariling kwento tungkol sa kaharap niya sa LRT ride[buti hindi lang kami ang minalas hahhahahaha!!]

Hay, basta tawang tawa nalang ako. Kakaibang ride na yan o. Ganun pala ung feeling. Ayoko ng ulitn HAHA! :D


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento