Linggo, Hunyo 5, 2011

Mahabahabang Biyahe :D

Boo yah! I’m back but still with no picture hehez

So ayun, tapos na ung summer ko.  Bukas na ung umpisa ng klase namin. UST e laging maaga ang pasok. Hmm, kung iisipin ko okay naman ung summer ko. Hindi masyadong ordinary may nagaganap naman kung minsan. Pero hindi ko ding masasabing sobrang naging masaya ung summer ko kasi sinimulan ko ito ng kalungkutan kaya dapat tapusin ko ng kasiyahan :) 

Nagkaroon ng mga dinner with friends, overnights, training ng sayaw, overnights, pa-overnights, friends-come-over, moviethon, all-day internet, katamaran, at 2 swimming lang ang naramdaman ko. Mukha bang boring? Haha. Wala man lang super  summer escapade with family or friends. Okay lang, may next summer pa naman. Ready na ko sa summer 2012! Hahahaha.

Blabla ang futuristic ko balik tayo sa summer 2011 ko.

Masaya naman ako sa mga huling araw ng summer. Nagtraining kasama ang oneshade, nagovernight sa mga bahay bahay, nagkakwentuhan ang mga kaibigan!:)

Pero naging kakaiba ung last week ng summer ko ng mafeel ko ung saya kapag nagttravel ako sa pupuntahan ko. Adventurous kasi akong tao. Minsan kahit takot ako o kahit may kasama o wala kahit di ko alam kung pano pumunta basta may maayos na mapagtatanungan maaasahan mo ako sa ganyang adventure. 
Pag nagttravel kasi ako ng mahaba habang biyahe mas nakakapag obserba ko ng madaming bagay at nakaka experience ako ng kakaibang feeling tuwing magcocommute. Oo, mainit, nakakapagod tsaka nakakaparanoid kasi hindi mo alam kung anong mangyayari sayo baka manakawan ka, mahold-up, masiraan, masabugan (knock on wood) pasensya na sadyang praning lang ako.

Parang nung isang araw, nagpunta kami sa Greenhills nung BFF ko tapos nagbus lang kami. Tapos ang sarap nung feeling ng makarating ka na sa destinasyon mo ng hindi masyadong gumagastos. Kasi pag nagcab ka e di ubos na pera mo sa pambayad dun. Ipangkakain ko nalang yun. Pati pagbalik naming bus din kaso hindi naming alam ung bababaan naming hahah kasi nga first time buti nalang tama ung desisyon namin na magintay pa ng onting byahe gang sa alam na namin ung lugar. Yung kondoktor kasi hindi sinabing iba ung ruta buti nalang quiapo ang baba namin. Alam ko nay un haha :)

Tapos nung isang araw naman, nangati ung paa ko[hindi literal] Parang gusto kong gumala at gumawa ng adventure. Gabi na pero okay lang may kasama naman ako. Malapit kasi sa bahay niya ung pupuntahan ko. Sayang naman ung opportunity na may kasama ka na may kakwentuhan ka pa may magtuturo pa sayo kung pano pumunta sa lugar na pupuntahan mo. Bale 3in1 sya :) Dahil din na may kasama ako at super  kwentuhan kami hindi ko na namalayang 1hr and 30mins ung kabuuan ng binyahe namin. Haha :))

Eto last na isang araw nalang haha. Nagpunta ulit ako sa bahay ng kaibigan ko para magovernight. Bumyahe nanaman ako ng malayo. Sumakay ng jeep. Sobrang traffic! Pumila, sinuwerte nakasakay agad sa fx. Pag dating sa terminal ng traysikel may pila ulit. Sinuwerte ulit, nakasakay agad. Swerte ko nga sa araw na yan. Thank you Lord :)

Pauwi na ako kinabukasan. Panibagong biyahe nanaman. At this time, Nagbus ako. E kakasabi ko lang na ayoko ng magbus kasi kakapanood ko lang nung balita sa sumabog na bus. Pero dahil yun lang ung biyhaeng Quiapo, sige go sakay ako. [naset naman ng kaibigan ko sa mind ko na safe yon] Madami pang upuan na available. So pinili ko ung tabi ng bintana. Pagkaupo ko ang lamig. Yehey malamig ung byahe ko tamang tama sa kainitan ng panahon. Kaso sira ung natapat sakin. Sira ung aircon hindi mo ma aadjust as in nakatapat lang sayo. Nasobrahan sa lamig, ung mga nagiging katabi ko lumilipat sa ibang upuan. Bale na katatlo akong katabi at ako hindi pa din lumilipat. Nagmamatigas hahaha. Pero literal naninigas na ung mga kamay ko sa sobrang lamig. Abot paa na nga yata. 

Ayun, hindi ko nalang ininda ung lamig at nagbasa nalang ako ng libro. Tapos ung katabi ko biglang tanong kung anong title ng librong binabasa ko. Pinakita ko nalang ung title nung libro. "Ang Paboritong Libro ni Hudas" ni Bob Ong ung librong nibabasa ko. Sabi nya "okay a, parang ang ganda nyan ang daming natututunan. Saan nakakabili nyan?" Ayan tuloy nagkaron tuloy ako ng kausap sa bus. I just had a conversation with a stranger. Hindi ko alam nakikibasa na din sya sa libro ko. Buti nalang bumaba na sya kasi pinapakiramdaman ko tuloy kung tapos na sya sa page na yun kasi ililipat ko na. 


Hanggang nakarating na sa Quiapo. Bumaba, sumakay ng jeep. Naglakad. Nakarating sa bahay. Kumain ng hapunan. Nakipagkwentuhan sa kapatid. Nahiga. Nakatulog. Swak. Pagod sa biyahe. 12hrs ung tulog ko. 


Tapos heto ngayon bukas pasukan nanaman. Tapos na maliligayang araw ko. Haha. Biro lang. Kasi gagawin kong mas maligaya ang school year ngayon :) 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento